

PINANGUNAHAN ni Commissioner Benjamin Mendillo ang isang aktibidad ng mga katutubong Filipino na ginanap mismo sa satelite office ng KOmisyon sa Wikang Filipino sa Cubao Quezon City kamakailan kung saan ang mga katutubong delegado na dumalo sa nasabing mahalagang aktibidad ay mula pa sa ibat ibang bahagi ng bansa.


Ang nasabing okasyon ay isa ring batayan ng pagtitiwala ng mga katutubo sa Komisyon partikular kay Commissioner Mendillo at sa kanyang mga efforts upang i advance ang mga adbokasiya at karapatan ng mga katutubong Filipino sa bansa lalo at higit ang tungkol sa kanilang mga ancestral domain na alam naman nating madalas maabuso ng mga malalaking negosyante at mga naghaharing pulitiko hindi lang sa kanayunan kundi pati rin sa mga lungsod kung saan ay may mga komunidad ng mga tautubo na bahagi na ng mainstream society.


Binigyan parangal din ang ilang mga lingkod bayan at mga sumusuporta sa adbokasiya ng mga katutubo ng kanilang mga opisyales at pati ang mga representante ng mga organisasyon ng mga katutubo na may kapareho ding mithiin gayun din ang mga may puso para sa kapakanan ng mga ito mula sa Komisyon sa Wikang Filipino at ibang organisasyon.
