

KASABAY ng pagdiriwang ng singkaban Festival 2026, ang ina ng mga fiesta sa buong bansa, at ang pag iral ng pabagu bagong sama ng panahon kung saan ang maraming low lying areas sa lalawigan ay lubog sa tubig baha,
Pinangunahan ni Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alex Castro kasama sina First Distric Board Member Michael Aquino ang pamamahagi ng tig 10 kilong bigas ni handog ng pamahalaang nasyunal sa pangunguna ng Pangulong Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos JR. sa bayan ng Calumpit partikular ang 7 barangay na naka cluster.
Ibinaba sa provincial government sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pangunguna si Ms Rowena Tiongson at kanyang mga kasama ang pamimigay ng bigas kasama ang Governor, Bise Gobernador at Bokal ng lalawigan pati ang mga kagawad ng nasabing mga barangay at ilang mga konsehal ng bayan ng Calumpit.
Ginawa nilang clustering ang pamimigay at ang venue ay ginawa sa barangay Pio Cuzcoza sa pamamagitan ni Barangay Kapitan Jericho Christian Lobaton kasama at anim pang barangay kabilang ang Balite, San Marcos, Longos, Calumpang, Serio Bayan at Bugion.
Kabilang din sa dumalo ay ang Mayor ng Calumpit na si Lem Faustino, mga residente ng pitong barangay, mga mamamahayag lokal at pambansa at mga boluntaryong tumulong sa pamamahagi. Sa pakikipanayam ng pahayagang ito kay Kapitan Lobaton sa kanyang tanggapan ay naitanong namin ang mga paraan ng kanyang barangay upang mabawasan ang pagbaha at nabanggit nga niyang gumagamit sila ng mga pumps at pipes na humihigop ng tubig baha upang itapon sa ilog.
Isa sa matinding suliranin tuwing baha at problema sa pag gamit ng mga pumps at pipes ay ang mga basura na maaring makabara sa mga tubo kaya ibinahagi nya ang kanilang roadmap ukol dito nnnang hindi man tuluyang maalis ang baha ay mabawasan ito at maging normal na ang buhay sa kanilang barangay.
