HINDI lahat ng pagkain ay healthy ayon kay DR Jaime Montoya, kasalukuyang Pangulo ng National Academy of Science and Technology dahil ang kailangan ay pinipili ng tao ang kanyang kinakain.
Ito humigit kumulang ang kanyang tinalakay sa kasagsagan ng 46th Annual Scientific Meeting ng akademya na ginanap nitong July 10 at 11, 2024.
Sin DR Montoya ay isang medical doctor at alam nya ang relasyon ng pagkain sa kalusugan ng tao at sa tamang kalusugan ay maiiwasan ang sakit gayundin makakatulong sa kalikasan ang tamang pagkain, Planetary Health Diet ang isinusulong ng akademya ngayon.
Kailangan din na maging malusog ang tao kasabay ng pampalusog na mga pagkain, kailangan din madaling maabot ang pagkukunan ng pagkain.
Ayon naman kay DR Eufemio Rasco sa Pilipino ang pagkain ay kanin, ang konsepto ng food security ay dapat nutrition security din.
Dagdag pa ng dating Director ng Philippine Rice Research Institute ang puting bigas ay bago sa ating lipunan dahil ang bigas dati ay hindi lang puti kundi diversified o maraming kulay
At ang sobrang pagkain ng puting bigas ay nagdudulot ng mga chronic diseases kaya kung maari dapat plant based ang pagkain o hindi lang puro kanin.