Mga Mandaragat sinasanay para sa kaligtasan sa Region 6 bahagi ng Day 1 ng Ship Onboard Familiarization ng MARINA

Sa punong tanggapan ng Maritime Industry Authority, ang sangay ng Department of Transportation na May hawak sa industriya ng paglalayag pinasimulan ngayong araw ang Ship Onboard Familiarization para sa mga mamamahayag sa layunin na matutunan ng mga ito kung paano ang operasyon ng isang sasakyang pandagat, ang mga ginagamit para sa ligtas na paglalayag at mga indibidwal na kasama sa kanilang byahe.

labing walong miyembro ng pamamahayag ang kasama buhat sa telebisyon, radyo at online at pahayagan na kinokober ang industriya ng Maritima at paglalayag. Bukod sa mga tagapaghatid ng balita ay kasama din ang tug isang representante ng naturang ahensya at bahagi nga ng unang araw ay nagtungo sa Marina Regional Office 6 sa Caticlan, bahagi ng Malay Aklan partikular sa isla ng Boracay na isang tourist attraction.

Bago magtungo sa Boracay ng mga mamamahayg ay binisita muna nila ang pagsasanay ng mga mandaragat, mangingisda at nagmamaneho ng mga ferry na ginagamit sa byahe pa-boracay at kalapit isla. may mga mandaragat buhat sa MIMAROPA gaya ng Romblon at Mindoro at mga taga Iloilo at Aklan. Nakibahagi ang mga Mamamahayag sa Modified Basic Safety Training na pinangunahan ni Ms Gloria Legarde, regular ang pagsasanay na ito sa mga lokal na mandaragat.

Typhoon awareness at Gender and Development pati ang pag apula sa sunog ay itinuturo sa mga partisipante na binibigyan ng lisensya pagkatapos ng pagsasanay upang kanilang magamit sa paghahanap-buhay at sa kaligtasan na rin ng kanilang pasahero at tripulante sa kanilang mga sasakyan.