
ANG larawan ay isa sa mga makina ng barko na naglalayag mula Batangas port hanggang Caticlan sa Aklan. Ang mga makinang ito ay masusing mini maintain at laging sinisiyasat ng mga engineers sa engine room ng barko bahagi ng Day 2 ng Ship Onboard Familiarization ng MARINA para sa mga mamamahayag upang kanilang makita mismo na ang mga sasakyang pandagat sa bansa ay ligtas at mahusay.













Si Chief Engineer Jake Perez ang namamahala sa Engine Room ng Starlite Reliance ng Starlite Ferries sa kanilang Engine Department habang ang kanilang Chief Mate ay si Ildefonso Trucio, ayon sa ating mga marino nang makapanayam ng mgamamamahayag huwag umanong papadaya sa nakikita ng mata, kung ang kaha ng barko ay mukhang luma at parang may mga kalawang dahil ang mahalaga ay ang makina, ang engine ang tunay na nagpapa andar sa barko at pag well maintained ito ay tiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at tipulante.
Isang mahalagang bahagi ng pagpapakalat ng impormasyon ang pamamahayag maging pahayagan, telebisyon, radyo at ngayon online media pati ang social media kaya naman dahil sa tayo ay nasa isang kapuluan at pinagdurugtong tayo ng mga isla na mga anyong tubig gaya ng dagat ang naghahati sa ating bansa mas maigi na maging ligtas ito sa mga sasakay ng pampublikong sasakyang pandagat para sa pag uwi natin sa ating mga pamilya tayo ay buhay at masaya.
