Mobile Lisencing programa ng MARINA Region 6 para hindi na mahirapan magpalisensya ang mga may ari ng mga sasakyang pandagat bahagi ng Day 3 ng Ship Onboard Familiarization ng MARINA

SA pagpapatuloy ng peogramang Ship Onboard Familiarization ng Maritime Industry Authority sa Region 6 na ang pangunahing layunin ay ipamalas sa mga mamamahayag ang operasyon ng mga sasakyang pandagat mula sa mga pagsasanay ng mga tripulante hanggang sa pagpapalisensya ng mga may ari ng barko at bangka, ipinakita ng regional office ang kanilang malasakit sa mga negosyante na kung wala ang programa nilang mobile lisencing ay sa Iloilo regional Office pa magtutungo ang mga ito.

sa nasabing mobile lisencing ay nakapanayam ng media ang tatlong mga may ari ng sasakyang pandagat na nais kumuha ng lisensya gayundin para sa kanilang mga tauhan. maraming natutunan ang mga mamamahayag sa mga nakapanayam nila bagaman ang marami sa mga naimbitahan ng MARINA sa ship onboard familiarization na ito ay dati ng may alam sa operasyon ng mga sasakyang pandagat hindi kaila na may mga bago silang natutunan sa lokal na setting dahil marami sa kanila ang nagkokober sa internasyunal.

Marami ding natutunan ang mga unang beses pa lamang na nagtungo sa Boracay na dati ay nakikita lamang nila na kinokober ng kanilang kapwa media ang tunay na kagandahan nito bagaman sabi ng mga lokal ay lubhang dumami na ang tao at kinakain na ng urbanisasyon bakas pa rin ang natural na kagandahan ng lugar at tama na ingatan ito dahil yaman ito ng bansa.