Recreational Boats hindi kinakalimutan ng MARINA Region 6 bahagi ng Day 3 Ship Onboard Familiarization MARINA

PATULOY na umaagapay ang MARINA region 6 sa Caticlan sa mga nagmamay ari ng mga recreational boats na marami ay naapektuhan ng phase out ng mga bangka na gawa sa kahoy panor sa mga fiberglass na kasalukuyang ginagamit na pangunahing transportasyong pagtawid mula Caticlan hanggang Boracay at pabalik.

Kung sa nakaraang mga panahon bago ang phase out ang nasabing mga bangka sa larawan ay ang karaniwang ginagamit na magdala ng mga tao sa Boracay patungong Caticlan ngunit ngayon buhay na buhay pa rin ang kabuhayan ng ating mga maliliit na ship owners dahil bukod sa mga trainings nila at lisensyang ibinibigay ng MARINA ay nagagamit pa rin nila pang recreation ang kanilang mga bangka.

Bukod sa recreation o mga island hopping ng mga turista lalo yung mga dayuhan ginagamit pa rin pang sports ang mga dating bangka sa pamamagitan ng taunan nilang Regatta, o ang karera ng bangka kung saan hindi lang pinoy ang mga kalahok kundi sumasali pa dito ang mga dayuhan na tunay nga na dumadayo pa para sa nasabing okasyon sa isla at isang tourist attraction.

-30-

Makikita ang mga larawan sa manunulat sa panahon ng kanyang pagsama sa Maritime Industry Authority sa natapos na Ship Onboard Familiarization 2026 mula sa punong tanggapan nito sa port area hanggang Batangas pier, sa 2GO travel patungong Caticlan hanggang sa Jettyport patungong Boracay at pabalik. Maraming Salamat sa Public Affairs and Digital Media Office ng DOTr-MARINA sa pagkakataong maipa appreciate sa tao ang kahalagahan ng ating Maritime industry.