BEKET PANITIKAN oo nga, Beket Panitikan???

ITO ang naglalarong tanong kapwa sa mga mamamahayag pati sa mga dumalong naanyayahan nitong nakaraang pulong balitaan ng National Commission for Culture and The Arts (NCCA) kabalikat ang Komisyon sa Wikang Filipino hinggil sa pamagat ng nasabing aktibidad at ng tema mismo ng National Literature Month.

Batay sa Proclamation no.968 series of 2015 ang buong buwan ng Abril kada taon ay Pambansang Buwan ng Panitikan at sa ika 11 taon nito ay oatuloy nitong kinikilala ang kapangyarihan ng panitikan para pagkaisahin ang bansa.

Ang tema ngayong taon 2026 ay “BEKET PANITIKAN PARA SA KATWIRAN AT KALIKASAN” at sa pagdiriwang ngayong taon naka highlight ang mga natatanging kontribusyon ng mga katutubong imahinasyon tungo sa pagbabago ng pambansang panitikan na huhubog sa pagkakakilanlan ng tunay na Filipino.

Ang BEKET ay mula sa wikang AGUTAYNEN ng Palawan na ang ibig sabihin ay PAGKAKAISA at PAGSA SAMA SAMA kasama rin ang pag amin na ang bansa ay mula sa pagkakaisa ng mga magkakaibang pamayanan ng mga mambabasa at manunulat na patuloy na nagkakaugnay at umuunlad, ang ganitong kaparaanan ng panitikan ang nagiging tulaysa mga magkakasamang alaala, imahinasyon at pag unlad ng intelektwalisasyon.

Sa kanilang selebrasyon din ngayong papasok na buwan ipinagdidiinan ang pangangailangan para magtulungan ang katwiran at kapaligiran, uma alingawngaw ang matagal ng panawagan sa mga manunulat ng bans ana pairalin ang katwiran bilang haligi ng Kalayaan habang hinihikayat ang patuloy na pagkilala sa responsibilidad ng tao na alagaan ang kapaligiran gaya ng pag aruga nya sa kanyang sarili.

Kabilang sa mga dumalo ay si Dr. Eric Zerrudo ang tagapangulo ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining at si Komisyuner Benjamin Mendillo ng Komisyon sa Wikang Filipino at ginanap ito sa Makasaysayang teatro Metropolitan sa Maynila.