Paglulunsad ng Visit Malaysia ginanap sa One Ayala at Coffee Diplomacy booth ng ASEAN

Lungsod ng Makati, Pilipinas- Pormal na binuksan sa One Ayala Mall sa lungsod na ito ang palatuntunan at exhibit kasama sa pagdiriwang ng 68th selebrasyon ng pambansang araw ng Malaysia kung saan tampok naman nila ang kanilang programa tungkol sa turismo ang “Visit Malaysia” bukod kay H.E Dato Abdul Malik Melvin Castelino na Ambassador ng Malaysia sa Pilipinas ay naroon din ang mga embahador buhat sa ASEAN.

Sa nasabing aktibidad pang turismo ng Malaysia kanilang ipinasulyap ang kagandahan ng kanilang bansa sa pamamagitan ng isang audio visual presentation at ang pagtatanghal ng mga mananayaw pang kultural at pagpapa rampa ng mga magagarang kasuotan likha