


ABANG sa inaasahang pagpaparamdam ng el Niño southern oscillation o ENSO na sinasabing papasok na pinaka extreme weather condition sa bahaging ito ng Indo pacific region at kanilang inaasahang mararamdaman ito sa huling kwarter ng taong 2026 hanggang unang kwarter ng 2027, pinulong ng provincial disaster risk reduction ang management office ng lalawigan ng Bulacan ang lahat ng sektor at kagawaran para sa mas ating paghahanda para maiwasan ang suliraning lilikhain ng kalamidad.
ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng provincial government ng Bulacan ang super el Niño, sa nasabing pagpupulong ay naroon ang department of education, agriculture office, social welfare office, bureau of fire protection at MERALCO gayundin ang environment office at mga kagawaran na May kinalaman sa tubig dahil inaasahan nilang magkakaroon ng kakulangan nito.
Pinangunahan ni Bulacan governor Daniel Fernando, vice governor Alex Castro, first district board member Michael aquino, provincial administrator Antonette constantino, public affairs head Krissa Alexis, environment head Juvic Regala at PDRRMO head col. Manuel Lukban ang meeting of the minds para sa mga naa-ayong solusyon na napipintong kalamidad, pinangangambahan din nila ang pagbaha at kawalan ng tubig at kuryente sa maraming lugar ng lalawigan.
inilahad ng education departments, bureau of fire at PAGASA DOST ang kanilang mga ground work at roadmap gayon din ang social services na dapat magpatuloy sa kabila ng inaasahang kalamidad. Sa huli hindi masama ang paghahanda, sa halos 20+ na bagyong bumibisita sa bansa kailangan ang adaptation at mitigation measures upang matutunan ang nakaraang karanasan nang hindi na maulit.
para sa iba pang artikulo ng Bulacan narito ang link ng page http://diaryongtagalog.net/Bulacan/
