NATURE BASED SOLUTION SA PROBLEMA NG BAHA EXECUTED SA MALOLOS

NATURE based solution ang nakikitang lulutas sa problema ng baha sa Malolos at sa buong Bulacan kaya ito ang naisipang sagot ng city government upang maibsan ang suliranin nila sa pagtaas ng tubig.

ito ang ipinaliwanag ni atty Christian Natividad, mayor ng Malolos kaharap ang mga mamamahayag sa kanyang lingguhang pulong balitaan sa city hall.

Ayon sa kanya heavily silted na ang paligid ng pamantasan, isang isla sa malolos gayundin ang bunganga ng Malolos river na lumalabas sa Manila bay kaya pag nag bagyo o nag high tide ay pataas ng pataas ang baha sa lungsod at karatig bayan nito.

kapareho din nito ang mga suliraning kinakaharap ng Mekong delta sa indochina, Europa at asean kaya ibinahagi ang technical expertise ng mga Dutch mula sa Netherlands sa paglikha ng solusyon dito dahil kilala silang eksperto sa pag-manage ng tubig sa mundo.

sa pagtutulungang teknikal ng dutch ASEAN at indigenous expertise ng mga taga pamatasan nabuo nila ang nature based solution na ito na umaaktong Breakwater, tumutulong upang maparami ang bakawan, gamit lang ang mga Shell ng talaba, kawayan, coconut na umaaktong water retention upang mabasag ang alon.

70 milyon ang halaga ng buong proyekto, 5milyon kada ektarya na sinimulan pa nuong 2024, ang mga sediment trapping units ay May 3metro ang lalim na nagsisilbing break water, ngunit ang tanong bakit hindi sila naglagay nito sa bahagi ng lungsod na malapit sa pinag usapang new Manila international airport sa gawi ng taliptio Bulacan Bulacan na sinasabing ang pangunahing dahilan umano ng mga nararanasang baha sa lalawigan.