IKATLONG GLOBAL EXCELLENCE LEADERSHIP AWARD 2024 IPINAGKALOOB SA PRINSESA NG MASA

Ginanap kahapon nov 10 2024 sa Heritage hotel Pasay City ang ikatlong Global Excellence Leadership Awards 2024 na pinangunahan ni María Liza Lorenzo. Sa pangunang talumpati na ipinagkaloob ni Capt. Relly Nufable Jose jr., kanyang ipinaliwanag ang leadership at ang kaugnayan nito sa ginaganap na parangal, samantala ang pambungad na mga pananalita ay ipinagkaloob ni María Liza F Lorenzo na siyang pangunahing nag organisa ng naturang paggawad.

Pagkaraan ng Oath-taking ng kanilang mga opisyales ay ang talumpati ng kanilang pangunahing tagapagsalita na si COB Evelyn Tabujara Suco at Espesyal na mensahe buhat kay Atty. Mario Dionisio Jr., kasunod ng pagkilala ng mga binigyan ng parangal ng una at ikalawang batch at sa pagitan ng mga pag gawad ay ang pag awit ni Nicole Ulang habang ang pangwakas na pananalita ay naihatid ng Vice President ng Filpu na si Josephine B Arboleda.

Samantala kasabay ng paggawad ng parangal sa nagmamay ari, Publisher at Anchor ng DZMJ Online na si Mary Jane Olvina Balaguer, nagawaran din ng parangal ang Dating Governor, Vice Governor at Congresswoman ng Lalawigan ng Sulu na si Princess Lady Ann Sahidulla at ang susunod na Mayor ng Doña Remedios Trinidad sa Bulacan na si Sapang Bulak Barangay Captain Leobardo Piadozo.

Kabilang rin sa mga nabigyan ng parangal ay ang mamamahayag na si Dr. Bernie Anabo kasama ang Publisher na si Cynthia Gabinay, ang aktres na si Sheryl Cruz, Ms. Melanie Mercado, FAMAS president Francia Conrado at ang nagmamay ari at Website Administrator ng pahayagang ito.