
TUNAY na nakalungkot na makita ang mga larawan at bidyo ng mga kaganapan araw araw sa Palestina partikular sa Gaza. ang imahe ng mga batang naglalaro sa daan na tigmak ng guho mula sa mga pagsabog ngunit hindi nila alintana ang maaring mga kasunod na pambobomba at payuloy at masaya pa ring naglalaro.
Ang araw araw na pagsita sa kanila sa mga check points patungong ospital, paaralan, at upang pumasok sa trabaho ay nagpapakita ng kawalan ng kalayaan at laging minamatyagan ng mga drone ang kanilang mga kilos na animo’y parang lamok sa kanilang mga ulo.
Sabi nga, ang kabataan ang pag asa ng bayan at ngayon nga sa Palestine, mga kabataan ang nangunguna sa pagbabago ng kanilang lipunan, ipinakikita nila sa kanilang mga ginawang maikling pelikula ang buhay na hindi ipinakikita ng pamamahayag sa kanluran, ang mga pangarap na lumikha ng pelikula, sining, musika atbp.
Sa nasabing artistikong maikling pelikulang ginawa ng mga kabataang palestino, na batay sa mga tunay na kaganapan sa Gaza at may titulong “From Ground Zero” The Untold Stories from Gaza
Kabilang sa mga nakibahagi buhat sa diplomatic corps ay sina Palestine Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ngayon sa Pilipinas na si His Excellency Mounir Anastas , at mga kasama sina Osama Elsakhnini, Embassy of the State of Palestine Chief of Staff, Counselor ng Embassy of Brazil Gerson Cruz Gimenes, Ambassador ng Federal Republic of Germany dito sa Pilipinas na si His Excellency Dr Andreas Pfaffernkschke, Arab Republic of Egypt Ambassador His Excellency Nader Zaki, Ambassador ng Slovenia His Excellency Smiljana Knez PhD, Ambassador of State of Qatar His Excellency Ahmed Saad N. A. Al-Homidi, Turkiye Ambassador His Excellency Niyazi Evren Akyol,
Malaysian Ambassador His Excellency Dato Abdul Malik Melvin Castelino with Malaysian First Secretary Shahrul Anwar Abdul Latif, Malaysian Counselor Nadhirah Zanudin, Avi Hararap, Head of Indonesian Cultural and Social Section and South Africa Ambassador Her Excellency BN Radebe Netshitenzhe

From Ground Zero, the Untold Stories of Gaza
