Philippine Tropical Fabrics gagamitin para sa uniporme ng mga kawani ng gobyerno

Senator Legarda graced Philippine Tropical Fabrics Month at DOST-PTRI

Alinsunod na itinatadhana ng batas Republic Act 9242 o ang Philippine Tropical Fabrics Law o ang promosyon, pagpapayabong at paggamit ng mga katutubong habi at mga materyales na likha dito sa Pilipinas kabilang ang pagtangkilik sa mga likha at disenyo ng mga mag aaral sa fashion Design buhat sa mga State Universities and Colleges.

Sa dalawang araw na Philippine Textile Stakeholders Conference sa Dusit Thani nitong January 26-27, 2023 pinangunahan ng Department of Science and Technology-Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) ang isang fashion show kung saan ipinakikita ng mga modelo nito ang mga damit na gawa sa Philippine Tropical fabrics na mga school uniforms at office wear ng gobyerno kaya ng DOST Civil Service Commission, University of the Philippines, National Economic and Development Authority at House of Representatives.

Ipinakilala ni DOST Secretary Dr. Renato U. Solidum ang keynote speaker na si Senate President Pro Tempore Senator Loren B. Legarda at bahagi ng kanyang talumpati ay ang tungkol sa kanyang adbokasiya ukol sa tropical fabric at sa batas na kanilang nilikha kasama nina Senator Cynthia Villar at Grace Poe. sabi niya sana y pumalag ang mga Filipino textile stakeholders sa mga pangongopya at pagnanakaw ng mga dayuhan sa mga disenyo at likha ng Pinoy na ginagawa nilang kanila sa kabila ng gamit nito ay ang mga materyales buhat sa Pilipinas.

Wika niya kailangang protektahan natin ang ating heritage. Isa sa paraan upang maisulong at pasikatin ang paggamit ng ating mga tropical fabrics ay ang pagsuporta sa mga ito mula sa pagtatanim hanggang sa promosyon kabalikat ang Department of Trade and Industry-Design Center of the Philippines at Department of Agriculture.///Michael Balaguer, +639333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net