BOC, Posibleng Maabot ang ₱1 Trilyong Koleksyon — Dir. Estanislao

Posibleng maabot ng Bureau of Customs (BOC) ang target na ₱1 trilyong taunang koleksyon para sa taong 2026, ayon kay Director Noel Corpuz Estanislao, na kilala rin bilang “Datu Hamza,” ng Enforcement and Security Service (ESS), na aming nakapanayam nuon sa pagdiriwang ng anibersaryo ng ahensya noong Setyembre 1, 2026.

Ito ang direktibang ibinigay ni Finance Secretary Frederick Go bilang taunang utos sa BOC.

Ayon kay Estanislao, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na naaabot at higit pa sa nakukuha ang buwanang target ng ahensya — mayroon pang sobra — kaya’t tiwala silang makakamit ang layunin bago matapos ang taon.

“May mga buwan pa tayo. Naniniwala tayong maipagpapatuloy ang ganitong tagumpay hanggang sa katapusan ng 2026,” aniya.

Binigyang-diin din ng opisyal ang malaking tagumpay ng kanilang tanggapan — na tinatawag ding “Bureau Police” — sa paglaban sa pagsasabwatan at pagpapasok ng ilegal na sigarilyo sa mga lugar ng Surigao at Cebu. Patuloy na palalakasin ang pagbabantay sa mga daungan at mas pahahigpitan ang operasyon laban sa lahat ng uri ng pag-ilegal na kalakal gayundin ang pagsawata sa mga ismagler.

Ang ₱1 trilyong target ay isang makasaysayang layunin ng BOC, bilang bahagi ng hangaring mapabuti ang pangongolekta ng buwis at mapalakas ang seguridad sa hangganan ng bansa