MALOLOS CITY MAYOR NAGBIGAY NG METAL DETECTORS SA MGA PUBLIC SCHOOLS SA BUONG LUNGSOD

SEGURIDAD ang una sa mga prayoridad ng pamahalaang lungsod ng Malolos sa Pamumuno ni Atty Christian Natividad bilang Punong Lungsod kaya nga pagkaraan ng pamamaril sa paaralan nitong hunyo taong kasalukuyan sa Tacloban Letye ay agad iniutos ng alkalde ang pamamahagi ng metal detectors sa mga paaralan pampubliko sa kanyang lungsod.
Sa pakikipag usap niya sa mga mamamahayag sa kanyang lingguhang pakikipagtalastasan kanyang ipinaliwanag ang maraming mga isyu ng lungsod at isa nga rito ang school violence na ayon sa kanya ang mga isolated incidents lamang at wala pa naming nangyayaring ganoon sa kanyang lungsod ngunit aniya mas Mabuti nang handa.
Sa pagpapatuloy ng kanyang pagpapaliwanang kanyang sinabi na makaraan ang naganap na school shooting incident sa Tacloban Leyte at Zamboanga nitong hunyo agaran syang nag utos na magpamigay ng mga metal detectors sa mga pampublikong paaralan sa buong lungsod upang maagapan ang mga mangyayaring kahalintulad na sitwasyon at upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mag aaral.
Sinusubukang makausap ng pahayagang ito ang ilang sa mga sinasabing paaralan na nakatanggap ng mga metal detectors at ang reaksyon ng mga magulang at mag aaral bago at pagkatapso ng pagkakaroon nito sa kani-kanilang mga paaralan. Ilan sa iyu din an kanyang tinalakay kasama ang mga mamamahayag na nagkokober sa kanyang lungsod ay patungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng baha, ng pagtatayo ng New Manila International Airport at ang proposal niya mismo na pagtatatag ng Department of Water.
