COBRA at BUHAWI Depensa ng Pilipinas kontra external threats- DOST MIRDC

KAKAYANIN ng masusing depensahan ng ating sandatahang lakas ng Pilipinas ang ating teritoryo laban sa mga external threats at ang ating mga bagong kagamitang ito ay pawang gawang Pilipino at resulta ng masusing pagsasaliksik ng Metals Industry Research and Development Center ng Department of Science and Technology (DOST MIRDC).

Nitong nakaraang Metals and Engineering (M&E) Industry Forum na ginanap sa Acacia Hotel Muntinlupa City June 20 2025 iniulat ni Engr. Robert O Dizon, Executive Director ng MIRDC ang kontribusyon ng kagawaran ng agham sa modernisasyon ng ating sandatahang lakas.

Ang Project BUHAWI (Building a Universal Mount for Heavy Barrel Automated Weapon Integration) ay ang pagtutulungan sa pagitan ng Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng MIRDC (Metals Industry Research and Development Center), Philippine Navy Naval Sea Systems Command, at ang Mechatronics and Robotics Society of the Philippines.

Layunin nitong palakasin ang firepower capability ng ibat ibang floating assets ng Philippine Navy sa paraa ng paglikha ng isang fully automated weapon station para sa mga .50 calibre machine gun.

Makakatiyak na dahil sa matagumpay na Research and Development (R&D) tungkol sa BUHAWI ay ang kanyang komersyalisasyon at itinuturing ng kagawaran ng agham na isang karangalan ang kanilang pagtutulungan ng Philippine Navy sa proyektong ito at layuning magkaroon ng manufacturing standard processes para sa BUHAWI paghahanda para sa paglilisensya sa mga adaptor at ang pag mass production nito.

Ang proyekto ay isang patunay sa suporta ng DOST sa Self-Reliant Defense Posture (SRDP) Program ng Department of National Defense – Philippines (DND) mula pa sa pamumuno ng dating Kalihim ng DND Secretary Delfin Lorenzana. at ng DOST Sec Fortunato T dela Pena na ang pangitain ay ang SRDP, ang magpapalakas sa kakayahan ng lokal na industriya ng depensa kung saan ang resulta nga ay ang BUHAWI project.

para naman sa mga kapartner ng DND, ang malawakang silbi ng komersyalisasyon ng BUHAWI at iba pang remote-controlled weapon stations ay magdudulot ng isang maliwanag na hinaharap para sa industriya, makakatipid ang DND sa modernisasyon, makakalikha ng trabaho, makaka hikayat ng negosyo sa industriya ng depensa bukod sa modernisasyon ng industriya at maari pang makapag export sa ibayong dagat

Kung ang BUHAWi ay sa ating Hukbong Dagat, ang COBRA o ang Controller Operated Battle Ready Armament naman ay ay sa Hukbong Katihan o ARMY.

Layuning mapalakas din ang kakayahan ng ating mga army at maipagtaggol ang bansa sa external aggressors gamit ang agham teknolohiya at inobasyon. bukod sa nasabing mga defense assets na buhat sa pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan na may kaugnayan sa seguridad at sa kagawaran ng agham ay may mga bagong inobasyon na nilikha gaya ng mga helmets at body armor na ibinahagi ni Dir Dizon sa State of the MIRDC address.

Samantala, bukod sa MIRDC ay may isa pang ahensya sa ilalim ng DOST na may interbensyon patungkol sa mga gamit pang depensa partikular sa paggamit ng indigenous fiber sapagkat ang Philippine Textile Research Institute (DOST PTRI) ay nakalikha ng isang bulletproof vest na gawa sa bamboo fiber. Matibay, matatag at matibay bukod sa magaankumpara sa karaniwang ginagamit sa kasalukuyan.