SIYENTISTANG TAGA GUIGUINTO WAGI SA MOBB 2025 BILANG MOST PROMISING ENTREPRENEUR

Guiguinto, Bulacan- Binigyang parangal kamakailan ang ilan sa mga natatanging anak ng Bulacan at kabilang sa mga ito ng isang siyentista at entrepreneur mula sa bayan na ito.Pinarangalan bilang Most Promising Entrepreneur sa Most Outstanding Businessman of Bulacan Awards 2025 si Ginoong Richard Nixon Gomez nagmamay ari ng isang Research Manufacturing and Development Facility sa bayan na ito ang BauerTek Farmaceutical Technologies isang world class na pasilidad na May mga produkto at serbisyong food supplement.

Ginanap ang paggawad sa Pavillion Hiyas Convention Center sa Malolos at inorganisa ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry kabalikat ang Provincial Government ng Bulacan kung saan nakibahagi din sa okasyon si Senator Elect Bam Aquino, Bulacan Governor Daniel Fernando at Bulacan Vice Governor Alex Castro.

Ang BauerTek Farmaceutical Technologies ni Gomez ay kabalikat ang Department of Science and Technology, Department of Agriculture, mga State Universities and Colleges gaya ng Mariano Marcos State University at Central Luzon State University.

layunin ng parangal na hikayatin ang mga negosyanteng Bulakenyo na magsikap na iangat ang kalidad ng kanilang mga negosyo hindi lang para sa lokal na pamilihan kundi para din sa pandaigdigan.

Bukod kay Gomez ang ilan din sa mga awardees na maaring pagkunan ng inspirasyon ng mga susunod na henerasyon ay sina

.Most Outstanding Bulacan Businessmen-Mr. Toni Paulo A. Valenton (Power Fill Group of Companies)- Mr. Ernesto S. Vergel de Dios (Big E Food Corporation)-Mr. Francis Castillo Bajet (Bajet-Castillo Group of Companies)- NBVinta Construction Corporation