


Ito ang tahasang sinabi ng owner nito sa interview with DZMJ Online mismo sa main branch nila sa Malolos. Ayon sa interview May mga valued customer sila na kinu congratulate sila for having another branch daw sa Bulacan aside from the Malolos branch.
Sabi naman ng owner na si Sis. Mariam hindi sa kanya ang nasabing restaurant at nag iisa lamang sila sa Bulacan, May branch sila sa San Fernando Pampanga at hindi ang nakita ng mga suki niya na ALIs KABAB sa Rocka Complex Plaridel ay ibang restaurant at hindi associated sa Ali Al Kabab.
Iyon ang paglilinaw nya sa mga would be customer o suki na nya na nalilito dahil May “Ali” at May “Kabab” ngunit sabi nga niya logo pa lang magkaiba na, ang Ali Al Kabab ay yellow at letters lang samantala ang Ali’s ay green at May tao sa logo.

Ginawa ng owner ang pagpapa interview para malinawan ang mga kapatiran sa Islam na nagtatanong sa kanya ukol dito dahil sa kasalukuyan ay dumarami na ang mga kapatirang Taal na Tagalog Muslim na nagne negosyo ng Halal food at maaring nagka hawig ang mga pangalan ngunit iba ang May ari.
