selyo ng kahusayan sa serbisyo publiko iginawad sa Bulacan at DOST-PCIERRD

Binigyang gawad ng Komisyon sa Wikang Filipino ng kanilang Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko Antas 2 ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya-Sanggunian ng Pilipinas para sa Pananaliksik at Pagpapaunlad ng Industriya, Enerhiya at Bagong Teknolohiya (DOST PCIEERD) Executive Director Dr Enrico Paringit dahil sa kanilang mga pagsisikap na i liwat sa wikang Filipino ang kanilang mga programa at korespondesya pati ang mga pananaliksik at pag aaral na lubhang nakatulong para lalong maunawaan ng mamamayan ang mga bunga ng agham, teknolohiya at inobasyon.

Samantala, tunay nga na napakahalaga ng wika para buong makarating sa mga mamamayan ang mga natatanging trabaho at aksyon ng mga pamahalaang lokal gaya ng mga lalawigan.

Bilang lunduyan ng mga bayani ng bayan, isa sa binigyang gawad Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2024 Antas 3 ay ang Lalawigan ng Bulacan na tinanggap ng kinatawan nitong si Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette Constantino at Dr Eli Dela Cruz bilang kinatawan ni Gobernador Daniel Fernando.

Kasabay ng paggunita sa kaarawan ng bayani at bulakenyong si Marcelo H Del Pilar, isang tagumpay na maituturing ang ipinagkaloob na gawad ng Komisyon sa wika sapagka’t ang Bulacan ay isa sa mga sinag ng araw sa watawat na siyang nag ukit ng daan tungo sa tinatamasa na kalayaan ngayon ng bansa.