Teknolohiyang Tower Garden, ang hinaharap ng agrikultura sa Pilipinas

Umulan man o bumaha ay mananatili pa ring makapag a ani ang mga magsasaka na gagamit ng teknolohiya ng tower gardening, maituturing na hinaharap ng agrikultura sa bansa. Ibinahagi ang teknolohiyang ito ni Dr. Marvin Cinense ang Project Leader ng proyektong ito mula sa Central Luzon State University (CLSU) mula sa Science City of Munoz sa lalawigan ng Nueva Ecija na ipinakilala sa nakaraang Technology to People Media Conference ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and natural Resources Research and Development o PCAARRD ng Department of Science and Technology o DOST.

Bulacan Agricultural State College, Pampanga State University at Tarlac State University ang nagtulung-tulungan upang maisakatuparan ang nasabing proyekto. Sa naging maikling panayam kay Dr. Cinense sinabi niyang sa kasalukuyan ay mga madahong gulay (lettuce, pechay, mustasa atbp) lamang ang ginawa nilang halimbawa na itinatanim sa mga tower garden na pawang hydrponic technology o walang lupa.

Ngunit kung gustong magtanim ng mga malalaking gulay yaong mga tumataas gaya ng sili, kamatius atbp ay lalakihan lang ang PVC pipe na ginagamit para sa tower ang maganda sa nasabing teknolohiya ay kahit saan pwedeng ilagay, solar powered rin para sa pag bomba ng tubig na ginagamit ng halaman.

Bukod sa mga gulayan sa paaralan, gulayan sa barangay ay maari din itong ihanay bilang urban agriculture option dahil maari din itong ilagay sa mga maliliit sa espasyo at hindi kailangan ng mga malalaking lugar, maari din itong ilagay sa mga rootops ng mga kabahayan sa mga lungsod at mga sa itaas ng mga medium at high rise na gusali.

higit sa hydroponics ay maari ding gamitin ang aeroponic technology sa tower gardening na higit ang benepisyo sa magsasaka at tiyak na magiging malaki ang kita ng mga ito sa nasabing teknolohiya, handa naman ang PCAARRD na magbahagi pa ng ibang makabagong teknolohiya sa agrikultura sa ikauunlad ng sektor.