Ang Pribadong Sektor ang magdadala sa pag unlad ng bayan

ITO ang humigit kumulang ang naging buod ng talumpati ni Anti Red Tape Authority (ARTA) Director General Sec Ernesto Perez sa nakaraang ARTA World Bank (WB) group Forum na ginanap sa Meetings, Incentives, Conference and Exhibit Center sa Quezon City Hall compound nitong February 3 2025.

Tunay nga na nakasalalay sa pribadong sektor ang pagdadala ng kaunlaran sa bansa kaya kinakailangan ang epektibong pakikipagtulungan ng pamahalaan sa nasabing sektor at ang pagpapalakas sa ease of doing business, streamlining of government processes at digitalization ang susi upang ito ay maisagawa.

Sa tanong na gaano nga ba ka-handa ang isang Local Government Unit para isakatuparan ang pagiging “business Ready” nila sapagkat nitong nakaraang ARTA-World Bank tila iilan lang na mga bayan at lungsod sa buong bansa ang masasabing “b-Ready”. Sa pagiging handa sa mga pangangailangan ng sektor ng negosyo, nangunguna ang Lungsod Quezon dahil ayon kay City Administrator Michael Alimurung maraming mga lungsod at bayan sa bansa ang kasalukuyang naghahanda pa lamang ngunit naisakatuparan na nila, halimbawa ay ang Electronic Business One Stop Shop o e-Boss.

Kabilang sa mga naging bahagi ng nasabing forum ay sina Norman Loayza, ang Director ng Global Indicators Group ng World Bank Group, Dr. Dandan Chen, ang Operations Manager para sa Malaysia, Philippines at Brunei kapwa ng World bank Group, Quezon City Mayor Josefina Joy Belmonte-Alimurung na nag host ng venue para sa nasabing forum, Ruy R. Moreno, Chair ng Ease of Doing Business Committee ng management Association of the Philippines, Dr. Roberto Martin Galang ang Dean ng John Gokongwei School of Management sa Ateneo de Manila University at ARTA Undersecretary Gerald Divinagracia.

Sa mga lungsod gaya ng Lungsod Quezon ay madali nilang maisasakatuparan ang pagsasa ayos ng kanilang sistema para maging handa at kaaya aya sa sektor ng negosyo, sa bahagi ng digitalization na matagal an nilang naisakatuparan hindi na magiging mahirap para sa business sector na makipag transaksyon sa gobyerno dahil wala ng red tape.