Hidwaan ng Yakan at Tausug pinagitnaan ng mga respetadong lider

Ginanap nitong nakaraang Feb 4 2025 sa Pasay City ang isang makasaysayang aktibidad kung saan mapagkakaisa ang mga naghihidwaang grupo ng Yakan at Tausug at pingangunahan ito ng kanilang mga iginagalang na mga lider.

lead convenor ng aktibidad na ito si Bro. Jadjurie Arasa, ang Administrator ng Blue Mosque sa Maharlika Village sa Taguig, kaagapay sina Hadji Mohammad Ersad Bebot Malli na Administrator ng Golden Mosque sa Quiapo at Ustadz Abdulaji Abubakar na Administrator naman ng Quirino Mosque.

Layon ng nasabing pagpupulong ay matiyak ang pagkakaisa at pagsa samasama kapwa ng mga tribong Tausug at Yakan at mapag usapan ang anumang hindi pagkakaunawaan sa ilaim ng relihiyong Islam. Kabilang din sa mga nagsilbing tagapamagitan ay ang kanilang mga lider na tunay na nirerespeto at iginagalang katulad nina Sulu Governor Abdusakur M. Tan, Congressman Mujiv Hataman, National Commission on Muslim Filipinos Secretary Sabuddin Abdurahim at Presidential Adviser on Muslim Affairs Almarim Centi Tillah.

Nagsidalo rin ang mga stakeholders mula sa dalawang tribo na nagmamahal sa kapayapaan at pagkakaisa at naniniwala na ang tunay na pag asenso ay magmumula sa pagkakaisa at pagtutulungan at hindi sa awayan at hindi pagkakaunawaan.