DIGITAL PILIPINAS SINIMULAN SA MALAYSIA EMBASSY

Tinanggap ni Malaysia Ambassador sa Pilipinas His Excellency Dato Abdul Malik Melvin Castelino Bin Anthony ang programa patungkol sa napipintong Digital Pilipinas kung saan maraming inaabangang natatanging aktibidad gaya ng mga patungkol sa Halal.

Inihahanda ang bansa sa napipintong paglakas ng 4th Industrial Revolution partikular ang Internet of Things at Artificial Intelligence. Kasama ang mga nagsusulong nito na magkakaroon ng kumperensya sa Malaysia, sa Kuala Lumpur partikular kung saan ipamamamalas ang mga Teknolohiya at Inobasyon sa ilang sektor gaya ng pananalapi at ng Halal.

///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinsimail@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net

-30-