MGA MAMAMAYANG AYAW SA DIGMAAN NAGSAMASAMA SA PAGTUTOL

MULI na namang nagsama-sama ang mga mamamayang tutol sa digmaang proxy na likha ng pag uudyok ng estados unidos ng amerika sa gobyerno ng pilipinas laban sa tsina sa isyu ng dagat timog tsina o dagat sa kanlurang pilipinas.

Pinangunahan ni Herman “Ka Mentong” Laurel at Ado Paglinawan ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute at ilang lider ng mga mamamayang tutol sa ginagawang pambubuyo umano ng estados unidos sa pilipinas na makibahagi sa giyera nila kontra tsina.

Ginanap ang tinatawag nilang anti-war congress sa Aberdeen court quezon avenue quezon city kamakailan kung saan kanilang iginiit ang kanilang pagtutol sa pagbibigay paliwanang na angtunay na kalaban ng Pilipino ay ang amerika at hindi ang tsina.

Kasabay din nito ay ang mga pagkilos ng mamamayan at pagma martsa mula welcome rotunda hanggang sa boy scout rotunda sa timog avenue. Mariing tinututulan din ng mga nakibahaging lider sibiko ang pagbisita ng US Secretary of State Anthony Blinken at US Secretary of Defense Lloyd Austin.

Ang mga lider na nagsidalo sa nasabing aktibidad ay naging bahagi rin ng pagpapa alis ng mga base military ng amerikano sa bansa at ngayon ng ay ang pagdaraddag ng mga Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites na ayon sa kanila ay simpleng pagpapa balik lamang ng mga base military ng amerikano sa bansa na magagamit upang utuin ang Pilipino sa kanilang nilulutong digmaan kasabay ng pagyurak sa soberenya ng pilipinas bilang isang malayang bansa at hindi kolonyang kanilang nasasakupan lamang.

Dumalo personala ang mga mamamahayag na tunay na nagmamahal sa bayan at ang ibang hindi personal na nakibahagi ay via online na lamang o sa zoom kung saan kanilang ipinakita ang kanilang tunay na malasakit sa kinahihinatnan ng bansa sa kasalukuyan.