Ginanap kahapon July 31 2024 ang isang Halal Trade and Investment Opportunities kung saan pinangunahan ng Quezon City Local Government Unit, Philippine Chamber of Commerce and Industry Quezon City at Department of Trade and Industry.
Layon ng nasabing aktibidad ang pagpapakilala sa Halal bilang bahagi ng ekonomiya na malaki ang maitutulong sa bansa hindi lamang sa Muslim.
Ipinakilala ang Halal sa mga hindi Muslim na entreprenyur upang kanila ring maintindihan ang uri ng ekonomiya ng Kamusliman at upang maiakma ito sa likaw ng ordinaryong negosyo sa bansa na naa ayon sa mga aral ng Islam na para sa lahat ng tao.
Kabilang sa mga nagsidalo ay sina Aleem Siidiqui Guiapal ng DTI, mga representante ng PCCI QC at QC LGU.///
Ngayong araw August 1 2024 ang ika 80 anibersaryo ng kamatayan ng ama ng ating wikang pambansa, ang dati nating Pangulo Manuel Luis Quezon at isa ring pambansang bayani sa kasagsagan ng ating pagdiriwang sa Buwan ng Wika 2024.
Nanguna sa pagdiriwang na ito ay ang Komisyon sa Wikang Filipino sa pangunguna ni Chair Arthur Casanova, Commissioner Abdurahman at Commissioner Benjamin Mendillo habang sa bahagi ng lungsod Quezon kung saan ipinangalan kay MLQ na lungsod ay si Mayor Joy Belmonte.
Layon ng taunang pagdiriwang nito ay ang magamit ang wikang Filipino bilang wika pang intelektwal at gamit sa tunay na pag unlad ng bayan.
Sa dami ng mga wika sa bansa gaya ng sa ibayong dagat kinakailangan natin ng epektibong wikang gamit para magkaunawaan ang mga mamamayan sa ibat ibang rehiyon ng bansa, ito rin ang naisip ng Pangulong Quezon kaya iminungkahi nyang magkaroon ng sariling wika ang bansa liban sa wikang ingles.
Ipinagdiriwang ngayon darating na buwan ng setyembre ang 124th anibersaryo ng Civil Service Commission at ang pulong balitaan ukol dito ay ginanap sa Philippine Information Agency ngayong August 1 2024.
May temang Transforming Public Service in the Next Decade Joining agile and Future Ready Servant Heroes. Layon na gawing serbisyong bayani ang serbisyong bayani.
Nais na baguhin ang pananaw ng taong bayan sa mga taong gobyerno at ipakita ang tunay na paglilingkod ng buong katapatan, layon ding mabago ang mga ugali ng mga taong nagtatrabaho sa gobyerno na maging magiliw at matapat sa serbisyo.
Kabilang sa mga dumalo at si CSC Chair Karlo Nograles, Department of Budget and Management, Securities and Exchange Commission atbp mga representante mula sa ibat ibang sangay ng gobyerno.