CREDIT GRABBERS ABOUND AMONG PAMISA KIN
LUMAPIT sa tanggapan ng www.diaryongtagalog.net at www.dzmjonline.net si Bb. Doris Pamisa-Torres upang humingi ng tulong ukol sa kanilang gold deposit sa bangko Sentral ng Pilipinas dahil ayon sa kanya ay may kumakalat na usap-usapan na maari nang kunin ang salaping katumbas ng kanilang depositong ginto sa nasabing bangko kamakailan.
Ayon sa kanya, walang hawak na mga dokumento ang kanilang pamilya, ang Pamisa Brotherhood Association ay binuo lamang ng kanyang ama at ng kapatid nito habang siya mismo ang naging instrumento upang ito ay mai legal dahil sa magkapatid ay siya ang anak na babae ng isa.
Nagpa interbyu si Bb. Doris Pamisa Torres sa DZMJ Online upang linawin ang ilang mga bagay tungkol sa asosasyon ng kanilang pamilya dahil may mga kumakalat na bali-balita duon sa kanilang bayan sa Cagayan De Oro City na maari ng i monetize ang kanilang commodity (Gold) na nakadeposito sa nasabing bangko bilang back up ng ating salapi. kaya siya lumapit sa www.dzmjonline.net at www.diaryongtagalog.net at isa pa ay upang pamalian ang ugong-ugong na siya ay patay na at ang mga dokumentong hawak ng kanyang mga kamag anak ay ang tunay..
Tinanong ni Ms Balaguer ng DZMJ Online ang ilang mga mahalagang katanungan upang masigurong tunay ang at totoo ang sinasabi ni Bb Torres at kanya nga itong natiyak gayundin ang katotohanan sa likod ng mga dokumento nito at ang orihinal na sertipiko buhat sa Securities and Exchange Commission na siya mismo ang nagparehistro.
ang isyu ng Pamisa Brotherhood Association ay isang isyu pampamilya at iringan ng mga magka kamag anak, ani Torres nais niyang maibigay ang mga nararapat na halaga sa kanyang mga kaanak na tunay na nangangailangan. ang kabuuang kwento ay nasa bidyong kinunan ng DZMJ Online at ang link ng kapwa mga istoryang ito ay nasa ibaba.///Michael Balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com