US hindi sagot ang Pinoy sa WPS isyu

HINDI sagot ng Kano ang Pinoy sa isyu ng iringan ng Pilipinas at China sa bahagi ng south china sea o west Philippine sea, ito ang pinag usapan sa pulong balitaan ng Asian Century Philippines Strategic Studies na ginanap sa lungsod Quezon June 20 2024.

ayon kay Scott ritter, sa isang pulong balitaan na pinangunahan ng schiller institute sa Amerika, sinabi nitong hindi kayang makipag bakbakan sa kapareho nitong lakas o hindi kaya ng Amerika na lumaban sa Tsina kaya ginamit nilang ang Pilipinas para giriin ang Tsina sa giyera.

Sa paliwanag din ni ado Paglinawan, ang Tsina ang May kontrol sa south china sea kaya nga ang dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay hindi pinakialaman ang mga isla sa kanlurang Pilipinas at ang benham rise lang ang pinayagan ng united nations.

nais ng Amerika umano na umalis ang Pilipinas sa ASEAN dahil anila ay walang nagawa ang samahan sa pilipinas. Hindi kaibigan ng Pinoy ang US at maaring maging Ukraine ng Asya ang Pilipinas pag tuluyan umanong tumulong ang bansa sa pagde demonize ng Amerika sa China.

Kasama sa mga nakibahagi ay sina Herman Laurel, Ado Paglinawan, Prof. Anna Malindog Uy, Sass Rogando Sasot, Daniel Long at mga mamamahayag na nagkober. ///Michael Balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com