Kalihim ng ICCM representante ng Damayang Filipino Movement Inc Chair sa seremonya ng Enthronement ng Pangampon A Pilipinas

NAGSILBING Kahalili o representante ni Damayang Filipino Movement Inc (DFMI) Party-list Athenie Bautista ang kalihim ng Islamic Council of the City of Malolos (ICCM) Maryam Jannah Binti Ismail (Mary Jane Olvina-Balaguer) ang Owner at Content Creator ng DZMJ Online (www.dzmjonline.net). Nagtungo sa Sultan Bob Datimbang Masjid ang ICCM sa Rodriguez (Montalban) Rizal upang makibahagi sa enthronement ceremony dahil kasama ang mga na enthrone sa Sultan at Bae mula sa Malolos.

Bukod sa mga opisyales ng ICCM ay kabilang rin ang Sultan ng Bulacan at Bae ng Malolos. Malaking papel ang ginagampanan ng mga Sultan at bae sa komunidad lalo sa mga Muslim dahil sila ang nagsisilbing mga tagapagpayo sa mga nababatang lider ng komunidad sila rin ang iginagalang ng mga kapatiran lalo na sa mga mahalagang desisyon katulad ng pagpili ng mga lider maging pang relihiyon man o pulitikal.

Ang DFMI Party-list ay naglalayong magkaloob ng tulong sa mga kapus-palad na mamamayan at under represent, dadamay sa filipino kaya damayang filipino ang humigit kumulang ibig ipakilala ng nasabing party-list na ang founding Chairman ay si Bulacan Governor Daniel Fernando at ang kasalukuyang Chair ng DFMI na naging DFMI Party-list ngayon na si Athenie Bautista ay kanyang kapatid kaya tayo ay makatitiyak ng pagpapatuloy ng serbisyo.