Kauna unahang ICWPS ginanap sa Pilipinas

Tunay nga na May malaking papel na ginagampanan ang mga kababaihan sa gawain ng kapayapaan at siguridad ng bansa kaya nga ang Presidential Communications Office (PCO) sa pakikipagtulungan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ay nanguna sa isang pulong balitaan sa pagtatapos ng tatlong araw na aktibidad kung saan ang bansa ang naging Punong abala sa International Conference on Women, Peace and Security na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) lungsod ng Pasay nitong October 30, 2024.

Umikot sa temang, ‘Forging Collaboration and Convergence for Advancing Women, Peace and Security (WPS) ang kumperensya ay nagsilbing mahalagang ,lugar para sa mga nagsidalo para malaman kung hanggang saan na ang progreso ng WPS agenda at i address ang kasalukuyang mga hamon sa kahalagahan ng mga kababaihan sa kanilang pakikibahagi sa kapayapaan at seguridad.

Kabilang sa mga dumalo at nakibahagi ay sina Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman kung saan kanyang sinabi ang kahalagahan ng financing inclusion kung saan kasama na ang kababaihan at gender mainstreaming at peace building initiatives lalo na sa BARMM,

Philippine Commission on Women (PCW) Chairperson Ermelita Valdeavilla, Philippine Center for Islam and Democracy President Amina Rasul-Bernardo, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Institute for Peace and Reconciliation Executive Director Ambassador Gusti Agung Wesaka Puja.

https://www.facebook.com/share/v/EvwCUk2fMjNEVeXP/