SABWATAN SA HAJ NG NCMF OFFICIALS LANTAD NA

PAGTUTULUNGAN ay isang magandang katangian nating mga Filipino anu mang tribo man tayo kabilang, lalo naman sa Muslim kung saan bantog na sa buong mundo na kapag sila ay may nais na isakatuparan ay nagagawa nila ito sa pagtutulungan.

Yan ang positibong bahagi o aspeto ng nasabing kataga pero kpareho din niya ang salitang “sabwatan” pareho ng ibig sabihin nagkakaiba lang sa interpretasyon.

Nitong nakaraang mga panahon ay nabisto ng mga awtoridad sa bansang Saudi Arabia ang kahinahinalang kilos att gawi ng ilang namamanatang Muslim na nakahalubilo sa mga Filipino at may tangan na pasaporte ng Filipino.

Dahil marunong magtagalog ang opissyal na nagtanong sa kanila, nagulat ito nang hindi maka sagot ang mga tinanong kanilang tinanong. Ngunit mapag pasenya ang opisyal, “Baka naman kaya hindi marunong ng tagalog ay dahil taga Mindanao at iba rin ang wika nila duon” sabi sa amin.

Tinanong nila sa wikang Iranun, Tausug Atbp ngunit wala talaga hanggang magsalita ang isa at nadulas sa kanyang wika, naunawaan ng ilan na taga Indonesia pala ang mga ito. Isang malaking balita ito sa bansa at malaking dagok sa pamunuan ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na tila may mga sacred cows na paulit ulit nan agha haj habang maraming Muslim ang “hanggang pangarap na lang” dahil kapos sa pananalapi sa sobrang laki ng halagang kailangang gugulin para sa haj.

Ayon sa source ng www.diaryongtagalog.net malaking sindikato ang nasa likod ng sabwatan sa pagitan ng mga tiwaling opisyales ng komisyon kaya nga halos sila-sila rin ang namamahala sa haj at ngayon ay kasabwat na rin ang ilan sa miyembro ng kamag anak inkorporated na iba ang tinitignan sa tinititigan na hayagang labag sa batas.

Ang Haj ay bahagi ng limang haligi ng Islam (Shahada, Ramadhan, Salah, Zakat at HAJ) na kailangang magawa ng isang Muslim minsan sa buong buhay niya, ngunit ipinagkakait ng mga magkakasabwat na tiwaling kawani ng NCMF sa pangunguna ng ulo nito.///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com

-30-