MAGKAKASAMANG nagdiwang ng Dragon Boat Festival nitong nakaraang Hunyo 10 2024 ang mga chamber of commerce ng Malaysia, Singapore at Taiwan, dinaluhan ito ng mga personalidad na naging kaagapay ng mga grupo ng mga negosyante upang mapadali ang kanilang mga negosyo sa loob ng bansa at ang aktibidad ay ginanap sa Century Seafood Restaurant sa Maynila.
Ang Dragon Boat Festival Dinner Celebration na ginanap sa Century Seafood Restaurant ay kapwa inorganisa ng Singapore Philippines Association, Inc. na ipinagdiriwang ang tradisyon at pagkakaisa at pinangunahan ni Singapore Philippines Association (SPA) President Andrew Koh at kanyang maybahay na si Jewel Koh at Malaysia Chamber of Commerce and Industries Philippines (MCCI) Chairman Edward Ling.
Kabilang sa mga nagsidalo sa nasabing hapunan ay sina His Excellency Ambassador Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino (Malaysia), Her Excellency Ambassador Constance See (Singapore), Representative Wallace Chow (Taiwan), Anti Red Tape Authority (ARTA) Director General Ernesto V. Perez at maybahay na si Ma. Lucila Perez , Consul General Philip Chien, dating Central Bank Governor at Chairman ng Cultural Center the Philippines Jaime Laya.
Mga representante naman ng Embassy of Malaysia na nakasama ay sina Mrs. Nurriha Ahmad ang Counselor at Head of Chancery, Supt. Noraznan Hassan Basari, Police Attaché, Mr. Adhwa Azmil, Assistant Trade Attaché at Embassy ng Singapore.
Ang MCCI President How Han Hui , Board of Directors, Executive Committees, Berjaya Manila Hotel Financial Controller Azhar Mahmood, Dusit Thani General Manager Stanley Lo, Bangsamoro Airways Eric Yam, Secretariat Michelle Cynna Malate and Members, it’s a testament to the enduring bond between Singapore and Malaysia.
As the feast on dumplings, they also celebrate the richness of friendship and heritage. Also present were Businessman David Wang, Executive Director of Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated Inc (FFCCCII) Dr Lily Lim, Peerless Product Manufacturing Corp President and CEO Simeon C Tiu, Businessman Mandy Po, Etiqa President and Chief Executive Rico T Bautista, Boracay Adventure Director for Sales Linna Chong.
Inaalala ng okasyon si Qu Yuan na isa sa pinakamamahal na prime minister ng katimugang Chinese state ng Chu nuong nagkaroon ng mga digmaan ang mga estado sa panahong 600 B.C. to 200 B.C., ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng karerahan ng mga bangka at pagkain ng sticky rice dumplings na kung tawagin ay zongzi, na bahagi ng tradisyon ngkatimugang China. Kasama rin sa Dragon Boat Festival ang panalangin para sa good luck at paglaban sa init ng panahon.
Lahat ng mga dumalo ay nabigyan ng zongzi itsang uri ng kakakin gawa sa malagkit na bigas na may ibat ibang palaman at nakabalot dahon ng kawayan, ang susunod na 2025 Dragon Boat Festival ay papatak ng Mayo 31.///Michael Balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com
-30-