PAGKAKAKUMPLETO SA PAGBUBUHOS NG SIMENTO PARA SA ANIM NA PANGUNAHING PUNDASYON NG TRANSFORMER SA TAGUIG 500KV SUBSTATION PROJECT SA PILIPINAS
Nitong Ika 21 ng Mayo taong kasalukuyan, ang anim na pangunahing pundasyon para sa transformer ng Taguig 500 kV Substation Project na constructed ng China Energy Engineering Corporation ay nakumpleto na at ang pagbubuhos ng simento ay tapos na.
Ang buong proseso ay ginawa sa ilalim ng mahigpit na quality control at safety management upang matiyak ang mataas na standards at kalidad ng proyekto. Ang pile foundation construction ay nagsimula nitongMarso ng 2024, na siya ring opisyal na simula nang konstruksyon ng proyekto.
Ang static pressure piles technique ay in-adopt sa pile foundation construction upang matiyak na walang gaanong ingay, pag uga at polusyon ang proseso para na rin matiyak na hindi maa abala ang mga residente sa paligid.
Ang Taguig 500 kV. Substation Project ay naka iskedyul na magtayo ng isang 500 kV. substation sa bahagi ng Taguig sa Pilipinas at naitala na isa sa mga pangunahing proyekto para sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong 2024. at sakaling tuluyang makumpleto, ang nasabing proyekto ay magsisilbing pangunahing load-centre substation para sa Kamaynilaan na kapitolyo ng Pilipinas. Liwat mula sa orihinal na ingles galing sa Huanqiu.com at ang orihinal ay nasa ibaba.///Michael Balaguer, +639262261791, diaryongtagalog@gmail.com