IDCP at ICCM nagkita para sa HALAL

IDCPI meet ICCM for HALAL

NAKIPAGKITA ang pamunuan ng ISLAMIC Council of the City of Malolos (ICCM) sa pangunguna ng kanilang Co-Chairman Michael Balaguer kasama ang Secretary General Mary Jane Olvina-Balaguer sa tanggapan ni Atty. Abdul Rahman Linsag, ang President and Chief Executive Officer ng pangunahing Halal certifying body ng bansa, ang Islamic Dahwah Council of the Philippines Inc. (IDCPI) upang makipag tulungan ukol sa lumalaking Halal market dito sa Pilipinas.

Isa sa mga mandato ng nilikhang City of Malolos Muslim Consultative Council (CMMCC) na makipag tulungan sa iba pang mga Muslim sa loob at labas ng Malolos hinggil sa ibat ibang mga laranganna kailangan ng Halal accreditation.

Ang CMMCC ay bunga ng executive order na ibinigay ni Malolos City Mayor Atty. Christian Natividad sa pamamagitan ng kauna unahang Muslim Civil Society Organization ng Bulacan, ang Islamic Council of the City of Malolos (ICCM) na siyang pinamumunuan ng Chairman nitong si Hadji Yahya Gamor.

Sa kultura ng mga Muslim kahit ano pang tribo o bansa, ang buhay ay dapat, Halal at dapat ligtas sa mga Haram (swine DNA) mula sa balat ng produkto hanggang sa molecular level at ito humigit kumulang ang “be all and end all” ng Halal na kailangang sundin ng lahat ng mga Muslim.

Sa panahon ngayon ng Artificial Intelligence, internet of things at machine learning lalong mahalaga sa mga nananampalataya sa tunay na relihiyong Islam ang sumunod sa mga ibinabang mga alituntunin ng Dakilang Lumikha.

Ayon pa kay Atty. Linsag ang IDCPI ay nagpapasalamat sa mga organisasyongMuslim na nagpapahiwatig ng interes sa Halal at sila naman ay bukas sa mga pagtutulungan.///Abdul Malik Bin Ismail,09333816694, konekted@diaryongtagalog.net at abdulmalikbinismail6875@gmail.com